The 1.08 GWA

The 1.08 GWA: Yes, 1.08. System error yang 1.962 – errr. Pero ano kayang ibig sabihin nung MS? #question #ganyan

Anyway, soooooooooooooobbrang unexpected. Pero una sa lahat, bakit nga ba ako biglang nag-aral? Sa totoo lang pagka-graduate ko nung college (BS Psychology), gusto ko talaga i-pursue ang Child Psychology. I love kids. I really do. As a matter of fact, nung panahong naghahanap ako ng trabaho, panay hospitals/clinics ang target ko. Gusto ko kasi maging Behavioral Therapist for Special Children. Pero ito… nasa corporate world ako. And I’m taking up my masterals in Industrial Psychology. Ang layo na ng natahak kong landas sa talagang plano ko.

There. Since I have been working in an industrial setting for 2 1/2 years already, I’ve decided to invest my career on this. Naisip ko lang, baka nandito siguro talaga yung skills ko? Ewan. Hanggang ngayon hindi ko rin alam. Nasa heart ko pa rin ang kids. Siguro sooooooooooon, ibibigay rin sa akin yun ni Lord. I don’t know how, I don’t know when, basta alam ko kung para sa akin, para sa akin.

Ang daming rants? Lol. Okay. Naisip ko biglang mag-aral kasi na-frustrate ako sa isang tao. Yes, sa isang tao. Gusto kong ma-divert yung attention ko. Kasi soooobrang na-fixate ako sa kanya. Pumasok na kasi sya sa sistema ng araw-araw na buhay ko. Naka-alarm na sa isip at body clock ko ang mga oras na 8.45 am || 12 noon (sharp) || 4.30 pm || 6.50 pm. Nagka-mild OCD na yata ako nyan kasi ang daming intrusive thoughts sa mind ko that I need to do something during those times = ritual na ba. (Sa mga taong kilala ako at sumuporta nung panahong yan, salamat at naunawaan nyo ko. HAHAHA) Ewan ko ba, I really can’t help it.

Na-frustrate ba kamo? Oo. Medyo abnormal kasi ako e. Lakas ng tama. Ganyan. Nagka-separation anxiety ako nung time na yan. Yet, I know na hindi na ‘to healthy for me. So…. I decided to look for some other things to do para maka-kalimot. O ha, drama. Chos. Pero ganun nga. Ayun.

October 1, 2011: Browse. Browse. Browse. Hanggang sa napadpad ako sa website ng UST, my dear alma mater. Napa-browse sa Graduate School section at nakita na deadline of submission of requirements for 2nd semester applicants would be on October 15, 2011. Hala, bigla akong nataranta. Naisipang mag-ayos ng documents. Bahala na nga, ano bang kukunin kong course for masters? Ewan. Ewan. Pero sinulat ko, MA Psychology (with specialization in Industrial Psychology). Gaya ng sabi ko, 2 1/2 years na ako dito. So pagbubutihin ko na ang mga kaalaman ko sa field na ‘to. As far as I can remember, parang October 12, 2011 ako nakapag-submit sa Grad School ng requirements ko. Sabi ko: “Lord, Kayo na po ang bahala.” After 1 week pa raw malalaman ang results. Ito na, tumawag ako sa office ng Grad School to inquire… biglang: “Yes, Ms. Serrano? Okay na, enrollment mo na on October 29, 2011” Tadaaaaaaaaaa! Tumalon yung puso ko, sooobra!

There there. Biglang naisip mag-aral. Nag-enrol. Sa biyaya ng Dios, I got high grades. Soooooooobrang paid off lahat ng pagod at puyat ko. 9 units down. 33 more units to go. Which means,  mahaba-habang puyatan pa!

At para sa taong ito…. you’ll always be my inspiration. Ganyan, cheesy? Haha. Kung nasaang lumalop ka man ng mundong ‘to, I know one day, we’ll meet again. At malay natin, sagutin ni Lord ang isa sa aking mga prayers. Hihi ;p While waiting, I’ll continue to improve myself. Naks. Ganyan? Soooobrang fulfilling pala mag-aral ulit. Ang saya lang, swear. Ang saya mag-Grad School. =) And for that, To God be The Glory! ~.<

Another random rants of freakygra. Sorry. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s