Random me: 27 July 2012.

Naiwan ko ang payong ko sa bahay.

Umalis sa office ng 5.10 pm at nakarating sa school ng 5.50 pm – ang galing. Umuulan pa nyan ah. Himala! Di ako late.

Umaasang walang klase. Maulan kasi.

Nangalay ang kanang kamay kano-notes sa subject ko tonight (Advanced Psychometrics).

Naisip ko… maging bihasa sa larangang ito at kumuha ng boards exams for Psychometrician (Unang hakbang para sa aking ‘career ladder’).

Ang galing talaga ng mga Intelligence Tests, napapahanga ako. *clap clap clap para kay Sir Alfred Binet*

Naka-flat shoes ako. Yung tela ba yung outer core nya. Badtrip kasi basang-basa mga paa ko. Umuulan nga kasi.

Hindi kami sabay ng pinsan ko umuwi. Ang lungkot.

Sarado na pala ang Chowking sa Dapitan.

Bumili ng Wintermelon Milk Tea sa Moonleaf dahil ako ay isang mabait na bata. Chos!

Ang putik talaga kapag umuulan. Nakakairita.

Malapit na matapos gawin ang kalsada sa Laong Laan.

30 minutes ang byahe para makatawid mula Laong Laan pa-Dimasalang.

At dahil dun, naubos kong kainin ang Chichacorn na binili ko sa coop at ang Milk Tea.

Ang dami pa ring nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa.

Nakapag-last trip na ung fx sa Blumentritt, kaya nagdecide na ko mag-jeep.

Ngayon na lang ulit ako nag-jeep byaheng Blumentritt – P21 ang pamasahe. Ayos! Tipid.

Ang init sa jeep. Siksikan. Amoy anit ng grade 3 student na naglaro ng sipa nung recess.

#YunNa #Baboooo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s