“Hangga’t may lakas, may bukas.”

“Kung may isang bagay akong natutunan ngayong araw, ito ay kung gaano magparikit ng baga at mag-ihaw.

Laksa-laksang pawis ang inabot ko kanina. Bawat paypay, umaasang magbabaga rin ang uling. Nakakangawit. -‘yan ang una kong nasabi. Pero habang tumatagal, nasanay na rin ang aking braso. Naging manhid sa pagod, nabugbog sa hirap.

Habang unti-unting naluluto ang nakasalang, biglang sumagi sa aking isipan ang isang bagay: sa susunod ko kayang paypay ay dadalhin na ng hangin ang aking lumbay? Tulad ba ng uling na nagngangalit sa apoy, muli kayang magbabaga ang aming pagtitinginan? O tulad ng gamit nang uling, mauuwi sa abo at ala-ala ang istorya naming dalawa?

Tulad ng pagbabaga, hindi naman natin malalaman ang kasagutan kung hindi natin susubukan. Sa ngayon, magkakasya muna ako sa isang bagay na alam ko, sa realidad na hangga’t kaya kong pumaypay, hangga’t kaya kong mag-intay, may pag-asa pa ang buhay. Hangga’t may lakas, may bukas.”

(An original rant of @racsyouworld towards the repressed emotions of @lemonadz)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s