“Schumi o si Air-Con?”

Paano ko ba ‘to sisimulan?

Biyernes ng gabi, este, ng madaling araw, na dapat e natutulog na ako at may klase pa. Pero naisipan ko pang buksan ang desktop. As usual, fb fb fb…. browse, browse, browse…. randomly nakita ang picture ni Schumi:

Ayan. Caught off guard. Sino nga ba ang mas bet ko: Si Schumi o si Air-Con?

Unting background:

Schumi – siya ay isang batikan sa larangan ng racing. 12 years old ako nung minsang nalipat ko ang channel ng tv, napadpad ako sa star sports at nahumaling sa Formula 1. Sooooobrang astig! Noong panahon din na yun ako nahilig sa totoong sasakyan. At dahil dun kaya ako natutong magmaneho. Maituturing ko na isa sa achievements ng lifetime ko ang pagkakatuto magmaneho.

Teka mabalik kay Schumi. Holder lang naman sya ng 7 World Championships: 1994, 1996, 2000, 2001, 2002, 2003, at 2004. Sya na diba! Sya na!

Air-Con – ay isang inteligenteng nilalang at soooobra akong namangha sa pagka-edukado nya. Sabeeeeh? Oo, pero matalino talaga. May laman. May substance ba.

E ano na? Sino nga ba? Si Schumi o si Air-Con?

Si Schumi:

1. Siya ang Ideal Man ko. Very manly, grabe. Yung pagka-toned ng muscles nya, ibaaa. Haha. 43 years old na sya pero HOT pa rin. Haha.

2. Hindi sya totoong tao. HAHAHA! Bilang isa syang prominenteng nilalang, para syang bituin na kahit kailan ay hindi ko kayang abutin. Alam mo yun?

3.  Hindi nya ako kayang saktan. Syempre! E hindi nga nya ako kilala e! Kahit fina-follow ko ang official instagram account nya (na wala namang posts ever) at ang twitter nya, never naman kaming nagkausap or whatsoever. Parang imposible lang. So, kahit na mahal na mahal ko sya, hindi nya ako magagawang sabihan na: “Sorry dudette, I’m happily married, with 2 children. You can’t have me though.” Ni kahit nga existence ko sa mundong ‘to, hindi nya alam e. Ganyan.

4. Matyagang magmaneho. Passion naman talaga nya ang driving/racing e. So kung… KUNG halimbawang kami ang nagkatuluyan, sa tingin ko, very willing syang ipag-drive ako at mag-travel. #DreamOn

5. Mayaman si Schumi. Hello? Obvious ba. 7-time World Champion nga sya e.

Si Air-Con:

1. He’s uhmmm buff. Mahilig kasi sya sa mga physical at outdoor activities e. Kahit nasaang lumalop sya ng mundo, palagay ko hilig nya talaga ang pag-ggym at swimming.

2. Totoo syang tao. So may chance. Chos! Maaari ko syang ikumpara sa Lotto, yung pwede mong makuha pero bahala na ang tadhana.

3. Dahil totoo syang tao, Pwede nya akong ma-friend zone. Ayan, ganyan. Sabi nga ni Sir Ramon Bautista: “Bakit hindi ka crush ng crush mo?” Bilang kahit paano ay magkakilala kami, palagay ko, anytime ay mapapasok ko realm ng katotohanang: Hindi. Hindi tayo talo. Ang friend zone ay parang synonymous sa salitang busted. O pwede ring:  “Ate, sorry. Hindi lang talaga kita napapansin.” #Aray

Schumi 5 : Air-Con 3.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s