Yakap ng Ama

Lunes pa lang pero yung pagod ko, pang-biyernes na. Bakit ba kasi lahat e sabay-sabay. Lahat priority. Lahat rush.

Paglipat ng oras sa alas-8, dali-dali kong pinatay ang computer ko sa opisina, sabay kuha ng bag. Swipe out. Derecho parking. Maneho derecho uwi sa bahay.

Alas-8 kwarentay-singko nang ako’y makarating sa bahay. Kumain ng tirang ulam, sabay higa sa kama kung saan nakahiga ang aking Ama.

Nahiga ako sa kanyang dibdib at nakayapos sa kanyang tiyan habang sya naman e hinihimas ng marahan ang aking noo.

Ang ika nya bigla e, “Noong araw, lagi rin akong nahihiga sa tabi ng Ama. Sa braso nya ako nakaunan hanggang sa ako’y makatulog.”

Iba talaga ang yakap ng magulang. Kahit hindi sya magsalita, dama ko ang pagmamahal nya sakin. Gusto ko lang umiyak habang nakakiling sa kanyang dibdib para maibsan ang aking pagod.. .

Ika-tatlong araw ng Nobyembre, Dos Mil Katorse.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s