Forever “Ate”

Ate Grace / Ate Gra / Ate Gara / Te Gara / TiGra / Tigger / Tigrrrr

Flashback : Nursery to Grade School. Hindi naman ako katangkaran para mag-assume ang mga kaklase ko na mas matanda ako sa kanila. Pare-parehas lang kami ng edad pero bakit kaya naging “Ate Grace” ang tawag nila sakin? Isa akong aktibong bata at lagi akong class president, kaya siguro naging “Ate” ang bansag nila sa akin.

High school. Akala ko maa-outgrow na ng mga kaklase ko ang bansag nilang “Ate”. Pero dahil nasa same school pa rin naman, walang nagbago. Kasi naman… hanggang maka-graduate ako ng high school, ako pa rin ang class president. Bata pa lang ako pakiramdam ko, pasan ko na ang daigdig. Hahaha.

College. Ayan…sa Maynila na ako nag-aral. At dahil pakiramdam ko napagod ako sa pagiging aktibo nung elementary hanggang high school, pa-low profile ang arte ko neto. Hindi ako nagsasasali sa mga extra-curricular/college activities para maka-concentrate ako sa grades ko. May maintaining grade kasi ako para hindi mawala ang scholarship ko. Kaso ewan ko ba kung saan nagsimula at kung sino ang nauna… First semester… first year college, “Ate Gra”. At bigla na lang akong na-appoint na class president. Nag-step down na lang ako nung 4th year kasi abala na ako sa thesis.

Dito nag-evolve ang “Ate Grace” na naging Ate Gra / TiGra / Tigger / Tigrrrr. O diba dami ng variations. HAHA. Sa pamilya namin, “Ate Grace / Ate Gara / Te Gara” rin ang tawag sakin. Panganay kasi sa lalake ang aking Ama. Kaya kahit mas matanda sakin ang mga pininsan ko, may kadikit na “Ate” ang tawag sa akin. Mas matanda raw kasi ang dugo ko/namin kesa sa kanila. Di ko gets. HAHA.

Edi ito na, Working na ako. Tabula rasa. Blank slate. New people. New environment. Nakakatawa kasi hanggang sa office, naging “Ate” na naman nila ako. Akala ko, first name basis na lang sila sakin. Pero hindi…. “Ate Gra / Te Gara” – yan ang bansag nila sakin. Isang malutong na R hindi rolling rrrr. HAHAHA 🙂

Forever “Ate”.

Kahit bunso talaga ako sa pamilya.

26 January 2015

Advertisements

2 thoughts on “Forever “Ate”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s