“20-20”

Naranasan mo na bang lumabo ang paningin? Na kahit na anong pilit aninagin ang mga letra sa libro, hindi mo pa rin ito mabasa? Ang solusyon ng iba ay ilapit ang libro sa mukha para makita ito ng maigi. Para naman sa iba, ilalayo ito para mas maasintahan.

Parang buhay ng tao.

Kadalasan naka-pokus tayo sa mga bagay sa hinaharap… Plano rito…plano roon. Kadalasan natatalisod dahil hindi alintana ang mga bagay sa paligid.

Isa na rito ang buhay-pagibig. Ang hirap e naka-pokus sa kung ano ang gusto. Naka-pokus sa kung sino ang pwede na maging kabiyak. Na kung minsan, nandyan na pala sya sa tabi mo, pero hindi mo lang napapansin. Bulag ka sa kung ano ang nandyan.

Pangalawa: buhay-trabaho. Ang daming hinahangad, ang daming gustong marating. Plano ng plano na lumipat o umalis o di rin naman ay hangarin ang meron ang iba. Bulag sa kung ano ang meron sya. Hindi nya nakikita na sya ay pinagpala. Sa hirap ng buhay ngayon, mapalad ka at may trabaho ka.

Ang ika ng aking kaibigan, “Sa kakaplano sa kung ano ang dapat gawin sa malayo.. nakakaligtaan at bigla na lang natitisod ng mga bagay-bagay na nasa malapit.”

Sa kabilang banda, may mga taong masyado namang abala sa malapit…sa NGAYON.

Nagpapakasasa sa mga bagay na sagana para sa ngayon. Kadalasan ay nakakaligtaan ang para sa bukas.

Parang pera. Madaling lustayin. Gastos rito. Gastos roon. Abalang magpakasasa sa ngayon. Di alintana na dapat pag-ipunan ang hinaharap.

Ano nga ba ang tamang isa-buhay? Sana kasing-dali ng solusyon sa malabong mata.

…na kapag sinuot mo na ang antipara, magkakaroon ng linaw ang lahat ng bagay na malabo.

Balanse lang.

20-20.

09 Marso 2015

Advertisements

2 thoughts on ““20-20”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s